Gintong Tiwala

Ang hirap maniwala sa taong hindi kayang magsabi ng totoo.  Yung lagi mo siyang binibigyan ng pagkakataon para paniwalaan pero lagi ka niyang bibigyan ng dahilan para magduda.  Yung kahit napatunayan mong may something ka na nalaman pilit pa din niya itatanggi.  Much worse, papaikutin ka pa niya sa mga kung anu-anong albi.

Sabi nila para magmahal at tumagal ang isang relasyon, kailangan ng matibay na pagtitiwala.  Pero paano kung sa bawat pagtitiwalang ibigay mo, sisirain na lang niya lagi yun?  It was never easy to trust someone for the second time, 3rd at mas lalo na for thr 4th time.  Pero dahil mahal mo never ending yung chances pipilitin mo bumalik yung tiwala kahit na ang hirap at ang sakit sakit na.

Ano bang akala nila? Hindi basta-basta yung magtiwala sa isang tao.  It takes a lot of effort and it doesnt happen overnight.  Pinaghihirapan yun makuha.....pero bakit nga ba may mga taong sadyang walang pakialam magpaikot sa puro kasinungalingan? Dahil ba hindi sila apektado kung makasakit sila ng iba?

Para masabing worth ka para pagtiwalaan dapat patunayan mong katiwa-tiwala ka nga. Hindi yung lagi na lang hindi tugma yung sinasabi mo sa ginagawa mo. Hindi naman mahirap magsabi ng katotohanan especially kung wala ka namang itinatagong lihim na ayaw mong ipaalam..diba?


Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌