MRT

Ang pagsakay sa MRT ay halintulad sa paghihintay ng tunay na pag-ibig.  Kailangan ng matiyagang paghihintay.  Pwede kang makipag-unahan sa iba ngunit maaari kang masaktan, maling istasyon, maling taong dapat mahalin,  Kailangan mong pumila upang makakuha ng tiket, hintayin yun pagkakataong nakalaaan para sayo. Malay mo dumaan na pala siya sa harapan mo, di kaya ay nakabangga mo na pala siya at maaaring siya yung sumingit sa napakahabang pila na halos ikagalit mo pero nanahimik ka na lang.

May pagkakataon pang hahabol ka pero kahit anong gawin mo hindi ka na makakaabot, naiwan ka na ng biyahe, ng pagkakataong makilala sana siya.  Marahil hindi pa yun ang nakalaan para sayo.  Maaari rin namang dahil abala ka sa iba, hindi mo napansin ang pagdaan niya sa harapan mo.  Wala kang magagawa kundi maghintay ulit ng panibagong tren, ng panibagong pagkakataon.  malay mo sa paghihintay mo, makasabay mo na siya sa susunod na biyahe ng MRT.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌