Dual Sim Heartache


Hi-tech na ang panahon ngayon.  Hindi kaila na sadyang mahilig magtext at tumawag ang mga Pilipino kaya karamihan mas pinapaboran ang dual sim phone dahil mas convenient at accessible para sa kanila.  Idagdag pa ang kaliwa't kanan na unlimited promos ng iba't ibang network, mas pinadali at pinamura ang komunikasyon.  Kung kaya't marami ang nakikipagkilala sa text na nagiging daan ng malalim na pagkakaunawaan.

Para sa pag-ibig tila pahamak ang dual sim na yan,

Unang sim, seryosong tao pero mahal na mahal mo at kinakasabikan mo laging makita at makausap.  Wala ng makahihigit pa sa nararamdaman mo para sa kanya.  Hanggang dumating yung punto na naging busy siya at halos hindi mo na maramdamang mahalaga ka pa sa kanya, nalungkot ka at naghanap ng ibang makakausap.

Heto yung ikalawang sim, kalog at super kulit.  Kakakilala mo lang sa kanya subalit palagay na ang loob mo sa kanya. Madalas ka niyang patawanin at pinaparamdam niya yung kahalagahan mo sa kanya.  Dumating yung araw na sinabi niyang mahal ka niya pero ikaw hindi ka sigurado.  Ang alam mo lang masaya ka pero hindi mo masasabing mahal mo din siya.

Nagkaproblema ka tuloy.  Sino ang dapat mong piliin? Yung una o yung ikalawa? Yung taong sigurado kang mahal mo o yun taong nagpapasaya sayo?

Hirap noh?

Tulad ng dual sim na yan, nahati na rin sa dalawa ang puso mo/  Nasaktan ka na, nakasakit ka pa.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌