Miss You Like Crazy

May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sayo. Tulad ng kung gano mo kamahal ang isang tao. Madalas, nalalaman mo lamang kung gano mo sya kamahal pag wala na sya sayo. And when you lose that person, you lose a part of yourself too. Umaasa ka na lang na sa paglipas ng panahon, maibabalik mo kung ano ang nawala sayo o kung hindi na maibalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon ang lahat ng bagay. Pero bakit parang hindi binabago ng panahon ang puso mo? Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan ang simula, at lagi mong tinatanong, pano kaya kung mas minahal mo sya? pano kaya kung hindi mo na lang sya minahal? pano kaya kung hindi na lang kayo nagkakilala? .. para mabura na sya sa alaala mo. Paano kaya kung noong nagkatagpo kayo ibang tao ka, ibang tao rin siya, sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon, maiiba rin kaya ang tadhana niyo? Kayo pa rin kaya ang para sa isa’t isa?” Ang daming tanong ‘no?

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌