We cant be more than friends

Ito yung sitwasyon na mainlove ka sa isang kaibigan pero hindi pwede dahil kaibigan lang yung tingin niya sayo.  Isa ito sa masaklap na pangyayari na maaaring mangyari sa sinuman.  The more na ipagpilitan mo, the more na masasaktan ka in the end.  Pano ba nangyayari to? 

Maaaring childhood friend mo.  Sabay kayong lumaki, halos laging magkasama, sabay na pumapasok sa school at umuuwi ng bahay.  Pag gumagawa ka ng assignment mo sa kanya ka nagpapatulong at ganun din naman siya. As in super close kayo talaga.  Sweet kayo sa isat isa kaya sino nga bang hindi maiinlove kung ganun man.  Pwede rin namang crush ka na niya talaga, yun bang may lihim siyang pagtingin sayo at ang paraan niya para mapalapit at makilala ka ng lubos ay yung kaibiganin ka niya.

anuman ang kwento, mahirap malagay sa sitwasyong hindi massuklian yung pagmamahal mo sa isang kaibigan.  Masakit tanggapin na ang tingin niya sayo ay hanggang kaibigan lang.  para bang kahit alam mong wala ka ng kapag-a-pag-asa eh pinagpipilitan mo pa din ipagsumiksik yun sarili mo sa kanya na baka sakali man lang marealize niya na baka mahal ka din niya ng higit pa sa kaibigan.  kaya karamihan sa atin, pag nainlove tayo sa kaibigan natin, natatakot tayong umamin kasi natatakot tayong mareject. 

Totoo naman diba?

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌