Palatastas 12 - Anak ng Waiting

I always wonder diba pag mahal mo yun tao, ggustuhin mo lagi na mkasama sya? Yun hindi lilipas ang araw na hindi kayo naguusap. Yun palagi mo syang naiisip at inaalala. Yun interesado ka sa lahat ng tungkol sa kanya. Yun kahit busy maglalaan pa rin ng time para makausap sya o makasama sya.


Diba ganon yun?   Dapat. Sana.


Sabi nga, pag hindi na nya gngawa ni isa sa mga yan, dalawa lang ibig sabihin nun. Hindi ka talaga niya mahal or may iba na syang mahal na pinagkakaabalahan niya.


Ilang beses na rin nangyari sakin yun. Niloko. Iniwan. Akala ko ako yun mahal pero in reality iba nmn pla tlaga. Honestly halos nakalimutan ko na yun pakiramdam ng may nagmamahal. Yun may nag-aalala. Yun may nagpaparamdam na mahalaga ako.  Pero kahit gnun, nagmamahal pa rin ako. Nakakatanga noh. Nagmmhal pa rin kahit na walang kasiguraduhan kun kelan uli may magpaparamdam sakin na kamahal-mahal ako.


Maghihintay pa rin ako.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌