Certified Panakip-Butas

"Panakip-butas ba ang hanap mo? Bumili ka ng YERO, wag AKO!"

Yero para sa butas sa bubong, band-aid para sa sugat, Food cover para sa pagkain, plastic cover para sa mga notebook at libro, vulcaseal na tunay na mabisang panakip-butas. Okay lang kung ang purpose eh para sa bubong ng bahay o building, maaring cabinet o sugat ngunit kung sa tao ginamit, saklap na ouch much pa ang peg.

True. May mga taong nabibiktima ng ganito yung pagmamahal na inaakala mo in the end pag natauhan ka marerealize mo na ginamit ka lang pala niya. Paraan lang pala niya para mapaniwala ka at yes, masasabing ikaw ay isang biktima ng maling pag-ibig.

So pano nga ba nangyayari ang panakip-butas fever na ito?

Eto ang naisip kong mga senyales na masasabing mong ikaw ay isang CPB (Certified Panakip-Butas) or maaaring ngayon mo lang malalaman na naging CPB ka pala.

Nyay! Anyway, let's start with...


--> REBOUND
Ito yung pakikipagrelasyon agad agad after ng breakup para maiwasan ang masaktan at makaramdam ng pagkabigo, pangungulila at sakit dulot ng nasabing breakup. Diba nauso yung 3 month rule, yun bang dapat may 3 months gap bago ka pumasok ulit sa panibagong relasyon. So kung alam mong kakabreak lang niya sa iba, yung tipong wala pang isang linggo eh mag-isip isip ka muna! Sign na yan na magiging panakip butas ka. At dahil nga sobrang sakit na hindi niya makayang tanggapin ang hiwalayan, ikaw ang pagbabalingan niya para makalimot at hindi magmukhang talunan, para maipakita sa outer world na kaya niyang mabuo ulit kahit na deep inside may kulang pa din at ideny man ng paulit ulit eh yung ex pa rin talaga ang loves niya. Watch out! Wag papabola dahil pinipilit niyang idivert sayo yung atensyon niya dahil naghahanap siya ng immediate na sasalo sa kanya.

Siya un may sugatang puso at IKAW un band-aid na magheheal sa kanya. Awww.


--> TAKOT MAG-ISA
At dahil takot siya mag-isa after ng breakup hahanap agad ng kapalit.  Parang rebound din. Pero eto makikipagrelasyon ulit dahil takot kang mag-isa or pwede ring ayaw mabakante.  Eh nagkataon ikaw un andun so kahit hindi ka naman pala niya masyadong gusto, okay na basta may makasama lang siya habang hindi pa siya nakakahanap ng mas worth ipalit sa ex niya. Since akala mo mahal ka talaga eh nainlababo much ka naman agad.

--> USER
Eto yata yung pinakacommon. Yun lalapitan ka lang pag may kailangan sayo. Lalambing-lambingin ka pa.  At obviously kapag ganito malinaw pa sa sikat ng araw na ikaw ay isang option lang. Yun tipong ikaw yung papagawin ng mga errands niya. O di kaya ikaw ang yayayain pag wala siyang ibang makasama at gusto niyang makalibre sa sine, sa pagkain o sa kung saan pa.  Nariyan pa yung magpapabili ng kung ano ano. Ikaw naman si loko/loka, konting drama at lambing lang, sunod agad agad. Syempre dahil mahal na mahal mo hindi mo maiisip na ginagamit ka lang pala niya.


--> EX FACTOR
Hindi pa siya fully nakakamove on kung lagi na lang niyang bukambibig ang ex niya.  Yung lahat ng usapan niyo eh involved yung ex niya.  Worse, yung ikumpara ka niya o maaaring sabihin niyang may pagkakahawig kayo o pagkakatulad ng mannerism.  Hala ka. Confirmed pantakip ka lang ng kanyang lonely broken heart.


--> BITTER
Syempre kung hindi siya makamove on, natural maging bitter siya.  Kahit pa siguro itago niya hindi ka naman ganun kamanhid para hindi maramdaman diba? Beware. Hindi pa man nagsisimula ang relasyon niyo eh baka hindi mo namalayan tapos na pala agad. Bilis much!?


--> IKAW SI SPONGEBOB
Oo nga't cute si Spongebob pero kung yung literal na pagiging sponge eh tingin mo kanais-nais kaya? Yun kakamustahin ka kunwari pero ang totoo ikaw yung shock absorber niya.  Sayo niya lahat sasabihing ang lahat kadramahan at pag nagkabati na sila ng ex niya, akala mo kayo pa din - sila na pala ulit..Asa ka pa. Nganga!

_______________________________________________________________

Pinakamalungkot na yatang parte ng buhay natin na matapos nating maging totoo at magmahal ng sobra sobra eh ginawa lang pala tayong panakip-butas.  Eto rin ang pinakamasakit lalo kung buong tiwala ang binigay mo, then malalaman mong kasinungalingan pala lahat ng akala mo forever mo.

Sabi nila, wala naman talagang panakip-butas sa mundo, nagkataon lang na ikaw yung nandun nung mga panahong nawalan siya at nangailangan ng immediate love and care.  

Hindi rin. Dahil likas sa mga tao ang tumakas sa sakit na dala ng pagkabigo kaya nauuwi sa paghahanap ng taong maitatakip nila sa sugatang puso nila. Diba?

Bakit ba kasi kailangang manggamit ng tao? Bakit hindi ibaling sa bagay at hindi sa tao. Mga ibang bagay na nakakalibang. Maaaring sports o hobby o kahit ano pa basta wag gumamit ng tao para makalimot.

Hindi naman porke nasaktan ka eh, entitled ka na manggamit ng iba at wala ka ng pakialam kahit pa makasakit ka ng damdamin. 

Well, kung bet mo naman ang maging panakip-butas, (dahil mahal mo sobra as in!) panindigan mo at ipakita mo na deserving kang maging higit pa sa pagiging panakip-butas.  Mahalin at pahalagahan mo siya ng totoo kahit na alam mong ginagamit ka lang niya malay mo in time matuto ka din niyang mahalin ng totoo at from being panakip-butas turned right one ka para sa kanya.

Pero may warning din, wag kang umasa ng sobra dahil hindi lahat ng love story, happy ending.  Maaring dumating ang time na iwan ka din niyan para sa iba. Kung dumating man yun, wag kang maging bitter, try to move on kahit mahirap. Huwag mong gagawin sa iba ang ginawa sayo o ang naranasan mo sa nakaraan mo. Hindi porke naging biktima ka e mambibiktima ka na din. Hayaan mo na.

   People who create their own drama 
 deserves their own KARMA. 


1 comment:

  1. kase po ako may gf at ang gf ko na yun bestfriend ng ex ko at ang ex nman ng gf ko ay kaibigan ko naman.
    Papaano po yung sitwasyon na yan .. kase po di ko alam kung pinapahalagahan ba ako ng gf ko kase kasama niya lagi ex ko at hindi nman ako makalapit sa kanya dahil nakaka-awkward yun sa ex ko kase lagi kasama ng gf ko ang ex ko tas mag bestfriend sila

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌