Long Distance Love Affair

Kung talagang mahal mo ang isang tao, hinding hindi mo hahanapin sa ibang tao ang mga pagkukulang niya sayo.


Alam na alam niyo yung isang bagay, na pag hinanap niyo sa iba, eh masisira ang relasyon na binuo nyong dalawa kaya dapat makuntento kayo at matutong maghintay.

Mahirap daw lalo na pag nasanay na kayo na laging magkasama…tapos biglang nagkalayo… Sabi nila, mahaba na daw ang isang buwan para sa dalawang taong pumasok sa LDR… Hindi totoo yun para sa taong totoong nagmamahalan -  nasa sa inyo na kung gigive up kayo dahil sa sabi sabi ng iba.  Dapat andyan ang TIWALA… wag makinig sa mga panirang salita ng hindi kayo ang magkasira… basta mahal niyo ang isa’t isa walang problema.

Ang long distance relationship ay para lang sa mga taong matitibay at kayang makuntento sa isa.. Pano mo nga naman masasabing mahal mo siya kung sa distansya niyo pa lang susuko ka na?



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌