I will love you to the stars and back

Falling and feeling.
Faith and fate.
Love and loss..


Major tanong: Kung imposible rin naman, magmamahal ka pa ba? 



Ako? Oo. Kasi pag mahal ko, mahal ko. Kahit pa hindi niya ko mahal o kayang mahalin. Hindi naman kasi napipigilan ang magmahal. Pero sa totoo lang nkkpagod na rin. Yun maghintay na matagpuan ako ng tunay na magmmahal, yun pipiliin magstay kahit anong mangyari at yun hindi ako biglang iiwan sa ere at hahanap ng iba. E bakit ba umaasa talaga ako sa pagmamahal na ke magkasama o magkalayo, hindi nawawala, nababawasan at kailanman hindi mapapalitan ninuman yun pag-ibig na yun. Kasi totoo. Genuine. Hindi peke. Hindi pretentious. Naisip ko tuloy kailangan ko rin bang hanapin ang dulo ng mundo at magpa-abduct sa aliens para maging posible na makahanap ng makakasama? Ng magmamahal?


Bottomline, ang tanging pag-asa na binigay ng movie na to is, oo walang sigurado, pero minsan kailangan mo lang maniwala, na ang minsang imposible ay magiging posible sa takdang panahon. May magmamahal din sayo. May makakaappreciate. May magpapahalaga. At higit sa lahat, that person will truly love you to the stars and back.


Tiwala lang.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌