Sawi

Hindi ko alam kung swerte ba o sadyang naawa na lang sakin yun universe kaya eto na mismo ang gumagawa ng way para makita ko ng harapan na patuloy pa rin yun KAYO.


Pangalawang beses na, sabi mo, "nagpaalam lang kami sa isat isa kaya kami nagkita."
Oo, pinaniwalaan ko na naman yun at umasa ako na tapos na talaga.


Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan. Kung paanong ako pa rin yung nagrereach out sayo. Sabi mo bigyan kita ng time. Isang linggo. Mahigit pa.


Gaano na ba ako nagpapakatanga?


Nakakagago pa kasi sabi mo maghihibernate ka lang, na gusto mong mapag-isa, na wag ako magalala kasi wala ka namng pupuntahan at wala ka namang kasama. Pero hayun ka nagliliwaliw kasama siya.



Hanggang sa huling pagkakataon
pilit mong tinatanggi ang lahat.
At sa kabila ng lahat,
minamahal pa rin kita.


Wala kang narinig sakin,
ni hindi ako nagkaron ng chance para magalit sayo
dahil mas nangingibabaw yung pagmamahal ko,
mas pinili ko maging matapang para sating dalawa.


Willing pa ring akong tanggapin ka at ipaglaban ka.
Pero bumitaw ka na para kumapit sa iba.
Pilit kitang hinihila pabalik sakin
Pero nagpatangay ka na talaga sa iba.


Hindi ko alam paano mo nagawa sakin to.
Alam ko, hindi ako perpekto,
marami kang mairereklamo
pero hindi mo maitatanggi sa sarili mo na
buong puso kitang minamahal ng totoo.


Anumang dahilan mo
Anumang kakulangan ko
Sana hindi mo na lang ako pinaasa na ikaw yung lalaking magmamahal sakin ng totoo.
Sana hindi mo na lang ako pinaniwala na ako lang yung nag-iisa sa puso mo.
Sana sinabi mo na episode lang ako para sayo
Kasi sa sobrang tiwala ko sayo, nilagay ko na yung TAYO sa title ng lovelife ko.


Mahal na mahal kita
Hindi dahil sa benefit ng pagkakaron ng partner
Hindi dahil sa mga regalo at surprises mo
Mahal na mahal kita
 Dahil yun ang totoong nararamdaman ko at walang paliwanag para dun.



SANA..
Sana masamang panaginip lang ang lahat ng to,
para sa pag gising ko
meron pa ring ikaw at ako.


 :(


Linlang
Wagas

_______________________________________________________

also shared and published at HeSaidSheSaidPH

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌