Linlang

Habang may tayo, may kayo.


Ilang buwan. August nung una kong nalaman sabi mo, "wala lang yun" Dahil mahal na mahal kita pinaniwalaan kita, dahil sobrang tiwala ko rin na hindi mo magagawa yun.


Mula nun madalas na tayo magtalo, nagtatampo ako dahil napapansin kong cold, distant, bihira na makipagusap at pag nagkakausap naman tayo puro ka dahilan. Nagagalit ka sa tuwing nagtatanong ako kung nasaan ka o kung anong ginagawa mo kahit na nangangamusta at nag-aalala lang naman ako. Nanibago rin ako kasi bihira na tayo magkita, unless ako yun magplano ng lakad natin, minsan nga inaayawan mo pa. Warning signs na pala yun.


Sabi mo "stress lang to dahil sa trabaho", inintindi ko at alam mo kung gaano kita sinuportahan sa lahat lahat. Gaano ko inaassure sayo lagi lagi na andito lang ako palagi para sayo. At ngayon ko narealize na ang malaking porsyento ng dahilan ng stress mo ay dahil sa sideline mo sa iba.


Ilang beses mo nga bang sinabi na
  "wala akong iba, ikaw lang ang mahal ko"? 
Syempre pinaniwalaan ko yun. At nagstruggle ako ng sobra para hindi mawala yung tiwala ko sayo. Pero in the end, lahat ng hinala ko, totoo pala talaga.


Dumating yung time na nahuli na naman kita, nagsorry ka, sabi mo hindi na mauulit, sabi mo ako lang yung mahal mo, na tinapos mo na yung KAYO. Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala pero sa kabila ng lahat, katangahan man pero mas matimbang pa rin yun pagmamahal ko sayo kesa sa anumang pagkakamaling nagawa mo. Naniwala ako na mas matibay tayo sa kahit anumang pagsubok at problema dahil marami na rin tayong nalagpasan kaya alam kong makakaya natin lumaban.


Pero tila bihasa ka sa paglikha ng mga kasinungalingang makatotohanan.



Wagas

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌