Akalain mo yun may nagtatagal pa rin pala. Sa panahon ngayon kasi, lahat nagbabago, nawawala, nang-iiwan. Ilan na lang yung kayang magtagal, yung pipiliing magstay pa rin sa paglipas ng panahon. Yung lagi lang andyan at hindi nakakalimot.
Aaminin ko, matagal-tagal rin bago ako muling nakapag-update dito. Wala kasing time para mag-isip ng maisusulat, walang makwento o maihugot - kung meron man, wala nga kasing time. Siguro ganun talaga, pag gusto may paraan, kung busy sa ibang bagay, maraming dahilan. Kaya sige consider na nagdadahilan lang talaga ako. Choice ko yun kasi nalibang ako sa ibang bagay. Nagpakabusy ng todo.
Oo talaga, ang tapang kong umalis nuon at hindi magparamdam ng ilang buwan kasi naman alam kong kahit iwan ko to, anytime pwede kong balikan. Alam kong hindi to mawawala. Tiwala ako eh. Siguro ganun, pag para sayo, para sayo lang talaga. Walang mangangahas na mang-agaw. Hindi mababawi ninuman. Parang truelove, na kahit dumating sa puntong nagkahiwalay na, dumaan man yung maraming taon hindi pa rin magbabago at mabubura yung pagmamahal na yun na naramdaman sa isat isa, Yung kahit meron ng maging iba (at sa kasawiang palad hindi na magkabalikan muli,) hindi mapipigilan yung mga pagkakataon na bumabalik-balik pa rin yung puso sa taong yun kung saan nakadama at nakatagpo ng tunay na pag-ibig. Marahil sabi nung puso nila "im finally home." So ayun ang ibig ko lang sabihin talaga eh i guess whats meant to be, will be.
So dahil nainlove. Kaso iniwan. Nasaktan na naman. Kaya heto ngayon, balik-emote. May dahilan na naman para magsulat. HAHA.
Mala-rebound na naman ang drama nitong blog ko para maging shock absorber ng mga hinanakit at bakit list ko. Saaaaahreeee na. But mas okay na yun diba? Kesa naman sa tao. Unfair yun. Hindi ko maaatim na pumasok sa isang panibagong relasyon para lang makakuha ng comfort, para makalimot o para lang masabing may fallback.. knowing na hindi ko naman maibibigay ang buong puso ko. Masakit yun at mas pipiliin kong masaktan mag-isa kesa makasakit pa ng iba. Oo, mahina man ako ngayon pero malakas ang loob ko na alam kong makakaya ko to ng mag-isa. Magiging okay rin ako. Soon. All these pain will be worth it.
Hindi naman kasi ako takot mag-isa,
pero nakakapagod na
yung paulit ulit akong pinapaniwala na hind sila mang-iiwan.
Maki-emote
ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌