Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo forever na tayo, umasa naman ako. Sabi mo di mo ko sasaktan, nagtiwala ako sayo. Pero manloloko ka, iniwan mo ako.. bumitaw ka sakin para kumapit sa iba.
Gusto kong malaman..
Bakit?
Oo. Isa ako sa pumila at nanuod ng "My Ex and Whys" na movie dahil gaya ni Cali Ferrer, marami rin akong tanong na "bakit". At kahit alam kong sampal sa realidad
pero talagang nagtanong pa siya, "Ilan to, miss?" So napilitan pa ko sumagot, "Isa lang po."
Nakakabitter. Deep inside gusto ko talagang sabihin, "Oo na ako na mag-isa! Ako na iniwan! At hindi ko alam kung bakit!!!! Dahil ano? Panget ba ko? Am i not enough? Kapalit-palit ba ko? Tell me..why!!" Grabehan. Walang respeto sa feelings ko. HAHA.
Ayun. Yun movie tungkol sa katotohanan na pag gustong magloko, maraming paraan at hindi nauubusan ng alibi at dahilan. Hindi yun aksidente lang na nangyari, dahil malinaw na choice yun. Kumulo nga ang dugo ko sa scenes na ginawang katatawanan, tinolerate at pilit nilang jinustify na normal na ang magloko, lalo na sa mga lalaki. Normal na nga ba talaga? Ang manloko, magpaikot, magpaasa at papaniwalain ang isang tao na mahal mo siya kahit hindi? Masarap ba talaga sa pakiramdam yung may nasasaktan at pinag-aagawan? Artistahin feels? Nakakagwapo/nakakaganda ba ang pagloloko? Nakakaboost ba ng ego ang magtwo-timer?
Sa totoo lang, napakaheartless niyo.
Kung tutuusin, mas komplikado at magastos nga ang pagloloko, ang pagkakaron ng third party na yan. Aminin mo. Anjan yung need mo mag-effort ng sobra para magdelete ng messages, gumawa ng fake social media accounts, magkaron ng second phone o di kaya i-airplane mode ang cellphone tuwing kasama ang original bf/gf (at ganun din ang drill pag yung #2 / side b*tch / kerida ang kasama) Yung need mo maging creative sa mga alibi at excuses mo na kapani-paniwala para di ka paghinalaan. Yung acting mo na galit-galitan pag may tinatanong sayo na ayaw mong sagutin kasi natatakot kang mahuli. Yung naging normal na sayo ang pagsisinungaling kaya minsan confused ka na rin sa kung ano nga ba yung totoo sa hindi. Yung wala ka ng pera lagi o maipon man lang kasi ang dami nilang pinagkakagastusan mo (o swerte mo kung ikaw ang ginagastusan) Yung need mo pa gumawa ng schedule ng mga lakad niyo ng bf/gf at #2 mo. Teka ilan nga ba silang pinaniwala mo na single ka? Yung dagdag stress at pagod na nararanasan mo dahil alam mong guilty ka of something pero wapakels ka kasi nasasatisfy ka naman. Yung sa bandang huli, wala ka ng peace of mind, ikaw na rin mismo ang nahilo at pinagsakitan ng ulo sa kakapaikot mo sa mga taong ang nais lang naman ay mahalin ka at mahalin mo rin sana. Yung konsensya mo na kusang nagwalk out na lang dahil kahit anong pakonsenya hindi ka na tinatablan, mas nananaig yun kamunduhan mo. Sapul ba?
Mas madali ba talagang mag-effort sa marami kesa sa isa lang? Mahirap ba talaga makuntento sa isa?
Sa totoo lang, hindi ko talaga lubos na maintindihan. Kasi kung hindi mo gusto, bakit mo papaasahin? Kung hindi mo na mahal, bakit hindi mo hiwalayan muna bago ka humanap ng iba? Kung hindi ka na masaya, bakit nagpepretend ka pa? Kung hindi ka naman pala magsstay, bakit pinaniwala mo pa na hindi ka mang-iiwan?
sheet.. BAKIT!
Napakaraming bakit na siguro kahit may sagot, hindi pa rin yun makakasapat na pangtapal sa tindi ng sakit at lalim ng sugat na idinulot nito sa taong lubos na nagmahal. Hindi nila alam yung pakiramdam ng maiwan, siguro kung maranasan nila yun, saka lang nila matututunan ang magpahalaga at lumaban para sa taong ayaw nilang mawala.
"When you choose to love, dapat tapat.
Kasi kung mahal mo, bakit mo sasaktan?"
Kasi kung mahal mo, bakit mo sasaktan?"
_________________________________________________________
UP NEXT:
Ask your Ex, WHY?
Does Mr. Stick-to-One really exist?
Maki-emote
ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌