Wake up, October na!

Gising na! Tapos na ang Setyembre. Wala ng dahilan para magtulug-tulugan ka pa riyan. Wag mo ng gawing dahilan ang peymus na "wake me up when september ends.."


Teka..kamusta ba ang tulog mo? Masyado bang masaya ang mga panaginip mo kung kaya't mas nanaisin mo na lang matulog ng mahimbing? Yung umaasa kang sana.. sana hindi na magising upang tuluyan ng makatakas sa realidad na ayaw mo ng harapin.


Nakakapagod na rin kasi noh? yun nag-eeffort ka naman pero wala pa rin. Binigay mo na lahat ng best mo pero sadyang kulang pa rin. Halos maghirap ka na, tagaktak na ang pawis mo, halos matuyo na yung damdamin mo sa lahat ng sakit na tinitiis mo, ramdam na ng balikat mo ang bigat ng sandamakmak na problemang pinapasan mo, at sobrang manhid na rin sa ilang pagkabigo na tinamo pero kahanga-hanga na sa kabila ng lahat ng yun hayan nagagawa mo pa rin bumangon at lumaban.


Tapos sasabihin lang nila ng walang kagatol-katol,
"mahina ka kasi!"   
"lumaban ka, duwag!"  
"pathetic loser!"


Ano bang alam nila? Manghusga? Oo. Ganyan sila eh. kasi wala silang pakialam sa anumang pinagdaraanan mo. Hindi nila nararamdam ang tindi ng hirap at sakit na kinakaya mo. Hindi nila nakikita yun lakas at tapang mo na pinipilit mo pa ring makabangon araw araw upang harapin at talunin ang lahat ng kinakatakutan mo, na hindi ka nawawalan ng pag-asang magtagumpay sa bawat laban na yun, na hindi ka tumitigil na malampasan ang bawat hamon ng buhay, na pinipili mo pa ring magising sa bawat pagkahimbing.


Wala silang alam.


At sa totoo lang they don't need to know. Hindi mo kailangan mag-explain sa kahit kanino para lang maintindihan nila kung bakit ganun o bakit ganyan. Hindi mo kailangan ibroadcast sa lahat para lang makakuha ng simpatya. Hindi ka nila bibigyan ng award sa pagiging fighter mo sa sariling battles mo. Jusko hindi mo naman kailangan nun. Diba?


Pero siguro, aminin mo man o hindi, umaasa ka na sana may makaintindi sayo. Na hindi ka huhusgahan sa mga pagkakataong pinanghihinaan ka ng loob. Yung maniniwala sayo at magtitiwala sa inner strength mo na minsan hirap kang ilabas dahil sa takot kang magfail. Na sana may tao na handang samahan ka kahit mahirap, kahit masalimuot ang reality na kinalalagyan mo. Yung willing na maging kasangga mo sa pagsabak sa bawat laban. Sana.


Pero kung wala man, hindi yun matibay na basehan para magpatalo.  Nakasurvive ka noon. Paniguradong makakasurvive ka rin ngayon. Kahit mag-isa ka pa o swertehing may makasama.


Isa lang ang sigurado, na sa mundong to, ang tanging kakampi na laging maaasahan mo ay


..ang sarili mo.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌