Worth the WEiGH

Nakakatakot mapagtanto kung gaano kahalaga sayo ang isang tao. Magugulat ka na lang na inokupa na niya ang malaking bahagi ng buhay mo. Nasanay ka ng andiyan siya at pilit mo man itinanggi, hinihiling mo na sana huwag siyang mawala sayo. Hindi mo naman binalak na magpahalaga ng sobra pero kusa na lang itong nadama ng iyong puso. At pag nga dumating yung pagkakataon na tinamaan ka ng katotohanang yan, mamamangha ka na lang habang nakikita na isa-isang nasisiwalat ang mga sagot sa katanungan mo at damdaming pilit mong kinukubli.

 Mahalaga siya sa maraming dahilan na mahirap ipaliwanag.

Makadarama ka na lang tuloy bigla ng matinding kalungkutan habang nagbabalik-tanaw ka sa kung paano nagsimula ang lahat at kung kailan unti-unting nagbago ang mga bagay na inakala mong magtatagal. Sari-saring tanong na magpapaulit-ulit sa isip mo. Paano mo iiwasan ang mga bagay nakasanayan mo na? Paano mo mapapatigil ang isip mo sa pag-alala sa kanya? Paano mo sasawayin ang puso mo sa pangungulila sa kanya? Paano ka mabubuhay ng wala na ang taong yun? Higit sa lahat, paano ka magsisimulang muli ng mag- isa?

 Yung minsang isang estranghero sa buhay mo, ngayon isang taong hindi mo kakayaning mawala. Kung dati wala ka namang nararamdaman, ngayon lahat ng damdamin mo siya ang tanging dahilan. Kahit pa nga malayo kayo sa isa't-isa, sa kanya mo na binibigay halos lahat ng oras mo. Yung hindi mo akalaing mapapamahal sayo, ngayon, siya na yung nagmamay-ari ng buong puso mo. Siya yung taong kung noon ayos lang nandyan man o wala, ngayon hinihiling mo na sana hindi siya kailanman bumitaw sayo.


May mga bagay na nagsisimula ngunit natatapos din. Mayroon din namang hindi pa man nagsisimula, natapos na agad.


 If someone comes into your life and has a positive impact on you, be thankful that your paths crossed. And even if they get rid of you and won't stay for some reason, still be thankful that they somehow made you happy, even if it was just for a short while.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌