High naku -_-

Maiksi lang ang buhay para patuloy na sayangin.

Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ito.  Kung kaya't huwag mong sayangin sa mga taong nagpapahirap at nagbibigay ng kalungkutan sayo. Tumigil ka na sa pag-asa sa mga taong gusto mo pero ayaw naman sayo. Dahil kung mahalaga ka talaga para sa kanila, maglalaan sila ng lugar para sayo. Hindi mo kailangang makipag-agawan. Hindi mo kailangang ipagsiksikan yung sarili mo dahil ikaw lang din yung maiipit at masasaktan. Hindi mo kailangan ng mga taong hindi nakikita yung halaga mo at sinasamantala lang yung kabaitan at pagmamahal na ibinibigay mo.


Lagi mong tandaan, walang halaga yung mga taong andyan lang para makinabang sa saya at ginhawang tinatamasa mo. At pagkatapos nun, ano? Iiwan ka rin nila kapag wala ka ng pakinabang sa kanila. Hindi sila mag-eeffort na mahirapan pa para sayo at kung naging masaya ka man, pansamantala lang. Yun ba ang gusto mo? Imulat mo yung mga mata mo sa katotohanan. Di hamak mas magiging matiwasay at masaya ang buhay kung pipiliin mo yung mga taong handang lumaban para sayo sa kahit anong unos na darating at yung hindi ka magagawang iwan kahit pa sa gitna ng hirap at sakit na dinaranas mo.


Sa buhay na ito, bihira na ang makatagpo ng taong totoo at labis na magpaparamdam ng 
tunay na pagpapahalaga kaya kung tingin mo natagpuan mo na yung sayo, 
pakaingatan mo.
at kung maari, wag mo nang pakawalan pa



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌