Nakaraang Kupas

Hindi ba't nakakamiss yun dati. Yung dating kayo. Yun bang lagi kayong masaya at kahit ano pang bigat ng problema, kinakaya niyo para sa isa't isa. Yun kayo nung mga time na wala kayong nararamdaman kundi pagmamahal na halos langgamin na nga sa sobrang ka-sweetan, Yun kayo na bihirang mag-away at magtalo. Yun kayo na hindi hinahayaang lumipas ang isang araw na hindi magkabati kapag nagkatampuhan.  Yung kayo na feeling niyo kayo lang dalawa ang tao sa buong mundo - yung walang iba.  Nakakamiss yung dati. Minsan gusto mong tanungin sa sarili mo kung anong nangyari pero the more na naiisip mo, mas lalo kang naguguluhan at nasasaktan dahil hindi mo alam kung bakit at paano nagbago ang dating matamis na pagtitinginan at wagas na pag-iibigan,  Nakakamiss talaga, pero minsan ganun talaga siguro hanggang miss na lang dahil hindi na babalik ang dati.

Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago.



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌