Pero alam
mo bang kaya ko pang tiisin, kaya ko pang tiisin yung sakit kasi gusto
kong patunayan sa’yo na hanggang sa dulo, tayo pa rin.
iintindihin ko
yang mood swings mo, kapag ayaw mo ko makausap, hindi muna kita
kakausapin, kapag gusto mong yakapin kita, yayakapin kita at hindi ako
bibitaw. Kapag may Girls Day Out kayo, itetext at kakamustahin pa rin
kita, kahit na wag mong sagutin, okay lang. Di ba gustong-gusto mo ng
surprises? Magaling ako dun, wag ka mag-alala, hinding-hindi ako
mauubusan. Tapos, wag mo nang alalahanin yung mga special dates natin,
memorize ko na yun. Simula nung una tayong nagkita, una tayong
nagkatabi, araw nung tinanong ko sa’yo kung pwede manligaw, yung
anniversary date natin, kaya wag mo masyadong i-stress yung sarili mo.
Tsaka di ba sabi mo, wag ko nang kausapin yung ex ko? I blocked her
awhile ago sa Facebook at Twitter para wag ka na magselos. Kaya kong
gawin lahat ng yan para sa’yo kaya sana wag kang susuko a? Hindi pa at
hinding-hindi kasi ako magiging handa para pakawalan ka. You’re one of
the best things that God has given me, kahit na nag-aaway tayo minsan,
hindi yun rason para sumuko tayo kasi alam ko na kayang-kaya natin
lagpasan, kaya wag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo. Wag kang susuko
a, kasi ako hinding-hindi.
swerte naman kung may lalaking ganyan hahaha panaginip lang nag eexist? lol
ReplyDelete