The Past

Lumipas na ang mga taon pero heto buhay pa din ang mga alaala ng nakaraan.  Sadyang may mga bagay na hindi mabubura sa ating isipan, mawala man yun taong yun maiiwan pa din yung mga alaala niyo na hindi kailanman kumukupas.

Wala naman kasi sa tagal ng pagsasama yun.  Meron jan napakatagal na nga pero yun pala pinagtyatyagaan na lang nila yun isat isa kasi nanghihinayang na lang sila sa tagal ng relasyon nila. At meron din naman na sa inikli ng panahon ng pagsasama eh ibinigay ng buo yung pagmamahal at lahat lahat na, to the highest level ika nga.

Kay sarap balikan ng nakaraan lalo na yung mga msasayang araw na parang wala ng katapusan.  Yun bang minsan naniwala ka na"Eto na yung right one.." tapos in the end hindi naman pala.  Yung masasayang araw na nasayang lang nung naghiwalay na kayo.  At ngayon heto ka nakukuntento na lang sa pag-eemote, sa pag-alala ng nakaraang hindi na pwedeng balikan at kahit kailan hindi na mauulit muli.




Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌