Too Much Love

"Kahit ilang libong tao ang dumating sa buhay mo. Hindi pa din mawawala sa puso mo ang taong minahal mo ng sobra pa sa sarili mo"

Bakit nga ba ganoon? Darating sa atin yung time na magmamahal tayo ng isang tao na higit pa sa sarili natin.  Ibibigay natin sa kanila ang lahat lahat, balewala ang paghihirap, ang pagsasakripisyo para sa taong yun.  At isa lang yung dahilan.  Kasi MAHAL natin sila at sobra-sobrang pagmamahal para ultimo sarili nating kaligayahan igigive-up natin para sa kanila.  Makita lang masaya ang taong mahal natin, ayos na at nakakataba na ng ating puso.  Pero minsan, nakakalungkot kasi may mga taong dahil alam nilang mahal na mahal sila,umaabuso naman masyado.

Para ka ng ATM MACHINE, bigay ka na lang ng bigay..

Matatauhan ka na lang pag iniwan ka na niya.  Saka mo maiisip na nag-aksaya ka sa taong hindi pala worth it sa sobrang pagmamahal na binigay mo.  Ika nga nila, ang utak gumagana lang pag nasaktan na ang puso.  Dahil wala ng idadahilan ang puso mo sa utak mo para lumaban at magpatuloy dahil naiwan ka ng mag-isa.  Pero ang mas masakit dun, siya nakamove-on na pero ikaw lumipas na ang mahabang panahon alam mo pa din sa puso mo na kahit kailan hinding hindi siya mapapalitan ninuman.

1 comment:

  1. sabi nga kung magmahal dapat ay hindi ibigay ang 100 percent....mga 50 percent lang ang ibigay.....para kung di man magkatuluyan ay may 50 percent pa para sa iba...

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌