Inosenteng Bata

Nakakatuwang isipin na nung bata ka pa naniniwala ka na magagawa mo lahat ng naisin mo, pumunta kung saan mo gustuhin.  Walang limitasyon yung mga pangarap mo, para bang ang dali dali ng lahat.  Naniniwala ka sa magic, sa mga fairytales at sa mga posibilidad.  Habang lumalaki ka yung unti-unting nagugupo yung kamusmusan mo at namulat ka sa realidad ng buhay na hindi lahat ng bagay na gugustuhin mo ay madali mong makukuha.  At sa buhay na to, saka mo maiisip kung gaano kasarap yung buhay mo nung bata ka pa at minsan mo pang hiniling na sana bata ka na lang ulit.

1 comment:

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌