Ang Mahal Mo Naman!

Sa totoo lang. Mahal magmahal.  Pano ba naman hindi mo maiiwasang hindi gumastos.  Mula sa panliligaw hanggang sa maging kayo na.  Sa pagdadate, kakain sa labas ng makailang beses, magkakayaang manuod ng sine at pagkatapos tatambay pa sa isang cafe bago umuwi.  Heto pa ang monthsary, na kailangan laging may regalo at xempre magdadate na naman.  Dahil mahal mo, sige lang ng sige. Bigay ng bigay hanggang may ibibigay ka.  So what kung yung budget na dapat para sayo eh para sa kanya na lang?  So what kung hindi mo na mabili yung mga gusto mo dahil yung mga gusto niya ang lagi mong binibili?  So what kung ikaw yung laging taya? SO WHAT??!! Mahal mo kasi.  At kahit sinong nagmamahal, ganun talaga, ika nga "bigay-todo" Money doesnt matter at all.  Ang pera pwede kitain pero yung mahal mo hindi pwedeng pulutin kung saan saan lang.  Kaya tama lang magpa-impress at gumastos.


Pero wag mo namang itodo dahil mahirap kung masanay siya at mahalin ka na lang niya dahil sa pera mo at hindi dahil sa kung sino ka talaga.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌