Caught in the act

May mga bagay na kahit gaano mo man itago, makikita at malalaman pa din ng taong ayaw mong makakita, ng taong iniiwasan mong makaalam nito. Hindi dahil magaling siyang maghanap o manghuli, kundi dahil deserving siya para malaman anuman yung mga bagay na hindi mo magawa at kayang sabihin sa kanya. Unang una sa lahat, hindi mo naman kailangang itago ang isang bagay o katotohanan kung wala kang ginagawang masama, kung wala kang guilt feeling na ayaw mong malaman niya dahil ayaw mong pagdudahan ka niya. Pero sa tingin mo ba pagdududahan ka niya kung lahat pinapaalam mo sa kanya? Ikaw rin mismo yun nagbibigay ng mga rason para magduda siya, para mag-isip siya dahil lagi na lang siyang huli sa mga bagay-bagay na kung wala naman, bakit kailangang itago diba?

Hindi ka nga sinungaling, hindi mo lang kayang magsabi ng totoo.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌