Isa sa bucketlist ko ang sumali sa funrun event. Kase gusto kong tumakbo..
palayo sa mga taong sinaktan lang ako. HAHA. Oo totoo nga, pangarap ko talaga yun, pangarap na akala ko hindi matutupad. Pero akalain niyo yun, nagkatotoo. Pinush ko ng 22x..nakatakbo na rin ako. ulit.
Sobrang saya. Kahit mag-isa lang ako, marami akong nakilala, naging mga kaibigan nung araw na iyon. Kaso syempre may mga times na magisa lang talaga ako, tipong sariling sikap lalo na sa pagseselfie (laging half body lang at laging closeup na halos sakop ng pagmumukha ko yun buong screen) nakakatakot kaya pagpapicture sa iba dahil baka biglang itakbo yung camera (yawkuna matakbuhan at maiwanan.. mga bedsheet at lecheflan silaaaaaa! HAHA jka) At kahit pa may mangilan-ngilan na katiwa-tiwala, nakakahiya rin naman kasi magpapicture at magrequest na damihan yung kuha at umeffort na humanap ng magandang anggulo. Diba?
Gabi na pero marami pa ring tao sa buong paligid. At sa pagclaim na lang nung food stub at finisher medal e inabot na ko ng siyam-siyam sa haba ng pila. Pero ayos lang kasi nag-enjoy talaga ako. Masarap sa pakiramdam yung feeling na naging part ng isang malaking event.
So ayun, nagstay pa ko at hinintay na umonti na yun mga tao dahil lam nyo naman, mahirap makipagsiksikan lalo't obyus na walang lulugaran. Masasaktan at magkakasakitan lang. Ehem! Ayun nung hindi na crowded, saka ako nagpasyang umuwi. Opo talent ko pong magstay at maghintay kahit matagal. HAHA. Enebe!
Madilim na pala. Agad agad. Ang tanging liwanag na lang ay yung ilaw ng mga sasakyang dumaraan at ilang mga poste. Sa paglalakad ko, may ilang runners akong nakasabay pero dahil sobrang ramdam ko yun pagod halos ayaw ko ng humakbang, nauna na sila at naiwan na ko. Kung pwede nga lang humiga na sa kalsada. Huhu.
Maya maya, may lumapit na guy. Ewan ko anong hitsura ko sa mga oras na yun at nag-effort siyang lapitan ako. Para siguro akong zombie na lasing. Sa isip-isip ko, jusko wag na sana siyang lumapit, hindi ready yung katawang lupa ko dahil literal na mukha na kong basahang bruhang pusa na amoy-pawis. Oo imaginin niyo na lang mukha talagang di kanais-nais. Pagod na ko e wala na kong powers magmakeup, tutal gabi na rin naman at pauwi na, sino pa bang makakapansin nun. Tss. Bahala siyang maturn-off. HAHA.
Bungad niya, "Hi Miss, okay ka lang ba? May kasama ka?" Hindi naman ako natakot pero nagulat ako kasi bigla siyang sumulpot. Sabi ko " Opo okay lang. Mag-isa lang po ako."
Hindi ko inaasahan yun naging sagot niya dahil feeling ko pinapagalitan niya ko. As in.
Sabi niya, "Bakit wala kang kasama? Hindi mo ba alam na delikado dito? Maraming loko dito pag ganitong oras na. Sa susunod wag kang papagabi at siguraduhin mong may kasama ka kung gagabihin ka man."
Napatango na lang ako. Kita ko sa mukha niya na nagwoworry talaga siya. Sabi niya ihahatid niya daw ako sa sakayan para siguradong safe ako makauwi. Sabi ko wag na kaya ko naman. Pero nagpumilit siya, mabait naman daw siya at kaya siya andun e dahil siya yung tagapicture nung friends niyang kasali sa run event. Mejo nag-explain talaga siya haha kaya hinayaan ko na lang. Mukha naman talaga siyang mabait. At oo kahit mejo madilim naaninag ko, uy gwapo siya. (kaya nahiya talaga yung sarili kong haggard na.. pero kahit papano aba kapansin-pansin pa rin naman pala hihi landers!)
Nung naglalakad na kami, biglang umulan. Ay nakupo saka ko naalala wala akong dalang payong, pampabigat lang kasi sa bag. Hihi. Pero bago pa ko tuluyang mabasa, nilabas niya agad yung payong niya at pinayungan niya ako. waaaaaah. Meron siyang payoooooooong! Napakaromantic. Kainis! Tumigil muna kami saglit kasi itinago niya sa ilalim ng shirt niya yun bitbit niyang camera (dadaan kasi kami sa mejo madilim na eskinita na kadalasan tambayan daw ng mga snatcher) at para hindi rin matilamsikan dahil mejo malakas na yun ulan. Uy bes, di ko sinilip yun abs niya, pramis! HAHA.
Nasa tawiran na kami nung bigla niyang hinawakan yun kamay ko at hinila niya ko palapit sa kanya. Natatawang sabi niya, "Green light pa oh. hintayin natin magred light." Feeling close. As in ngingiti-ngiti sya dahil ang cute ko daw. Halong pagod at antok na yung nararamdaman ko nung mga oras na yon kaya wala ng lugar para sa feeling na kiligin o ano pa mang emosyon. E siya kaya? muhaha.
Makalipas ang humigit kumulang na 10 minuto, nakarating na kami sa terminal. Nakakamangha na marami kaming napagkwentuhan sa maikling panahon na yun. Di ko lam kung ako o siya ba yung madaldal. O pareho kami. HAHA. Sobrang nagpasalamat ako sa kanya bago ako naglakad patungo sa sakayan. Tumigil ako saglit at paglingon ko, andun pa rin siya. Ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Sumigaw pa siya, "Mag-ingat ka ha!"
----------------------------------------------------------------------
Kinabukasan, kinuwento ko sa kaibigan ko yung nangyari at pinagalitan niya rin ako dahil totoo daw na delikado talaga sa lugar na yun pag gabi na. Marami daw nandadampot ng mga pusang pagala-gala. Hehehe. Cute na pusa pa naman daw ako buti di daw ako napagdiskitahan. Bakit daw hindi ko sya tinawagan etc etc etc.. saka ko lang naisip na napakalaking bagay talaga nung sinamahan ako nung guy na yun hanggang sa terminal. Bukod sa nakilala ko siya, naging safe ako sa mga delikadong oras na yun.
Sa lahat ng mga litrato na meron ako nung araw na yun, yung moment na magkasama kami ang pinakabukod-tanging larawan na hindi mawawala at lagi kong maaalala
..lalo na sa tuwing makakakita ako ng DLSR camera.
----------------------------------------------------------------------
Maraming salamat sa pagdating mo..
Mr. Camera Guy.
Hanggang sa muling pagtakbo.