Hue and Cry

May mga pagkakataong dumarating
Hindi maiwasan mangilid ang luha
Sumasagi sa isip ang nakaraang nakalipas
Kinukurot ang sugat ng pusong hindi pa man naghihilom
Hindi malimutan kung paano ipinagtabuyan
Hindi matanggap kung bakit tinapon ang lahat
Ni wala man lamang katiting na panghihinayang

Saan nagkamali?
Saan nagkulang?
Anong nagawa para tuluyang magbago
Anong hindi naibigay para tuluyang lumisan
Ang pangakong walang hanggan
Unti unting nalusaw

Bakit iniwan?
Bakit pinagpalit?
Mga katanungang naghahanap ng kasagutan
Mga kasagutang mas mabuting huwag na lamang matuklasan
Ang pag-iibigang wagas
Dagling nagwakas

Kung may pagkakataon rin lang na darating
Nais humukay ng malalim sa dakong kalayuan
Upang tuluyang maibaon sa limot
Ang pagmamahal na tanging inilaan
Ang mga pangarap na muntik ng makamtan
Ang mga masasayang alaala na lubhang
nasayang lang.



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌