Love Story Part 2: Officially Yours

The fact the alam niyong may something na namamagitan sa inyo, takot kayong aminin sa isa't isa.  You enjoy each other's company at halos kilala niyo na ang bawat isa. Kulang ang araw pag hindi kayo nagkita o nagkausap man lang, daig niyo pa nga ang magkarelasyon talaga.  Daming kilig moments na talaga namang ang sarap balik-balikan.  At ang pinakanakakakilig ay yung time na to:


SIYA: i like you..
IKAW: (hindi nagetz) I like you too! 
SIYA:  No i mean i like you,, i like you to be my girlfriend. Mahal kita higit pa sa kaibigan.
IKAW: (speechless)
SIYA: I know there's something between us  and i want to make it formal..pwede na ba akong manligaw? =)


Inaasahan mo naman yun xempre sa lahat ng bagay eh kailangan ng formality.  So ano pa nga ba ang ending.after a year, sinagot mo siya at naging kayo. Tagal naman.  Pero sa mga panahong yun naman eh mas naging masaya kayo at tumibay yung pundasyon ng samahan niyo.

 
"The best relationship starts with being good friends.."


Hindi nawawala ang mga problema sa isang relasyon pero magkaganunpaman you still feel lucky having each other.  Samakatuwid, nalalampasan niyo lahat ng problema.  Sobrang saya kasi nakatagpo ka ng taong alam mong hindi ka iiwanan at lagi mong maaasahan.  Yung may nagpapatawa sayo tuwing malungkot ka, yung may mag-aalaga pag maysakit ka, yung nagbibigay ng mga kailangan mo kahit hindi mo hilingin, alam niya lahat tungkol sayo.  Alam niya kung anong magpapasaya sayo.  Siya at yung mga ka-sweetan niya, sobra sobra na para masabi mong "siya na nga yung right one mo."  Napakaswerte mo.  Akalain mo nakilala mo lang siya online pero heto siya pala yung kabiyak ng puso mo, siya pala yung kukumpleto sa buhay mo at dahil dun wala ka ng mahihiling pa.  Patuloy ang buhay patungo sa hinaharap..at masaya kasi kasama mo siya.

"You cant choose who to love, where to love and when to love, it just happens."

THE END


Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌