Love Story Part 1: Getting to Know Each Other

Maraming love story ngayon ang nabubuo through online.  Yun bang nakilala mo lang siya sa isang networking site, nakachat, naging katextmate at di nagtagal eh naging kabonding mo na din sa mga lakad at gimik mo. Sabi nga, hindi mo naman kailangang makita yung tao bago mo siya mahalin kasi hindi naman mata yung nakakaramdam, kundi yung puso.  So bakit nga ba hindi ka maiinlove sa hindi mo pa nakikita? Unless na lang masyado kang materialistic at demanding na gusto mo maporma siya, maganda/gwapo para presentable at kainggitan ka ng makakakita sa inyo.  Pero hindi naman ganyan ang truelove.  Wala sa panlabas na anyo yan, bonus na lang siguro kung good-looking siya diba?   Minsan sa buhay mo makakatagpo ka ng taong magpapabago ng buhay mo, yung kukumpleto sa pagkatao mo at minsan hindi mo alam siya na pala yung nakasalubong mo, nakasakay mo o di kaya yung nakikipagkilala sayo sa chat.


"You'll never know love until you let it in your heart..."



SIYA:  Hello, care to chat?
IKAW: Hi, sure!
Marami na kayong napagusapan at nagkapalagayan na ng loob kung kaya...
SIYA: Can i have your number?
IKAW: Umm sige 09XXXXXXXXX
SIYA: so pano text text tayo ha.
IKAW: Ok

 Hanggang sa mas madalas mo na siyang kasama kaysa sa mga kaibigan mo.  Nonstop kayong nag-uusap, magchat na eh magkatext pa tapos panay like at comment pa sa facebook, nakapaclose niyo na nga.  At sa closeness na yun, dun nagsimula ang lahat.


"Somewhere between the laughs, long talks, stupid little fights and all the jokes,
THEY FELL IN LOVE."
 

At sa point na yun nahihiya kayong aminin sa isa't isa kaya deadma lang pero deep inside kinikilig.  Deep inside ayaw niyo ng magkahiwalay at tuwing hinahawakan niya yung kamay mo para kang lumulutang sa kawalan.  Pag naman may iba siyang kinakausap, naiinis ka. Hindi mo maipaliwanag yung pakiramdam mo at paulit ulit mo man ideny sa sarili mo eh nagseselos ka.  Ayaw mong may ibang kumuha ng atensyon niya, gusto mo ikaw lang. Oo nga, inlove ka na.  Eh siya kaya?  Sa kilos niya, sa mga simpleng tingin niya, hindi naman malayong pareho kayo ng nararamdaman at hindi ka nga nagkamali.  Inlove din siya sayo.



....itutuloy

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌